twitterfacebookgoogle pluslinkedinrss feedemail

Pages

Friday, May 24, 2013

Hanggang sa Huling Hibla ng T’nalak



by Leo V. 

Sining…mula sa kislap ng mga mumunting bituin sa kalawakan, sa paghimbing at panaginip na inihabi ng mga matatandang kababaihan sa isang telang ibinuo mula sa puno ng abaka, ito, ang tunay at autentikong sining ng mga Pilipino. Lahat ay sining, magmula sa pananamit, pagsasalita, at pag-uugali, lahat ay may kauukulang pamantayan ng kagandahan. Ito ang tradisyon ng mga Pilipino, pinong pag-aasal, at purong puso ang iginugugol sa bawat gawain.
Ang sining, ayon kay Webster ay “the production, expression, or realm of what is beautiful”. Kung ang tradisyunal na sining ay nakikiisa sa kultura at gawi ng mga Pilipino, at kung ito’y ihahalintulad sa deskripsyon ni Webster sa sining, marahil nangangahulugan rin ito na sa kagandahan ng ating kultura noon, maihahalintulad rin ba ito sa isang awtentikong sining?
Ang Pilipinas ay kilala ‘di lang sa Asya ngunit sa buong mundo bilang tahanan ng mga magagaling na artists at bansa ng mga taong mahilig sa arts.  Kahit saang dako ka man mapunta sa Pilipinas ay tiyak na may ilan silang maipagyayabang na produkto ng mga malilikahaing kamay ng mga lokal na eksperto sa sining.
Tunay na maipagmamalaki ang tradisyunal na sining at kadalubhasaan ng mga mamamayan ng Pilipinas. Magandang isipin na ang mga dalubhasang ito ay hinasa na sa kani-kanilang sining mula pa pagkabata at hinubog na ang kani-kanilang mga kamay at kaluluwa sa paglikha at pagtatanggol ng sining hanggang sa kamatayan.
Ilang ulap na ang dumaan, ilang pagsubok ang lumipas, ilang tela na ang hinabi, at sa kasalukuyang panahon, nakalulungkot lang, tila lahat ng mga itinuring na gawain ng purong puso at pinong kumpas ng mga kamay ay tila isang larawan sa panginorin na unti-unting lumalabo at kumukupas.
Dati-rati’y umaabot ng higit-kumulang apat na buwan ang paghahabi ng isang T’nalak, itoy isang telang inihabi na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod na pangyayari sa isang panaginip ng mismong manghahabi. Mula sa pagkuha ng hinimay-himay na habla ng abaka hanggang sa mismong paghabi gamit lamang ang kamay at paa,, lahat ng proseso sa paggawa ay nangangailangan ng ingat at naayon sa tradisyon.
 Itinuturing na isang mahalagang kasangkapan ang T’nalak sa tribu ng T’boli, ito ay nagsisilbing simbolo ng pag-iisang dibdib ng lalaki at babae, at nagsisilbi ring pamana o “heirloom” ng magulang sa anak. Ngunit sa ngayon, ang dati’y sagradong T’nalak ay ngayo’y ibinebenta na at itinuturing bilang isang simpleng produkto ng komersyalismo.
 Kung dati’y inaabot ng halos apat na buwan ang paggawa ng isang T’nalak, ngayo;y minamadali na ng mga “dream weavers” ang produksyon upang umabot sa deadline na  ipinapataw ng kani-kanilang industriyalisadong amo. Nasaan na ang kultura? Ni hindi na nga pinapatawan ng naka akmang ritual o orasyon ang dapat sanang isang mahalagang instrumentoat simbolo ng isang buong tribu.
Ang pagbabago ay hindi nakasasama kung ang pagbabago mismo ay dumidinig sa mga pangangailangan at kabutihan ng pangkalahatan. Diba’t kailan lang umusbong ang balitang tumaginting sa tenga ng mga pari’t Obispo, madre at iba pang miyembro ng konserbatibong Iglesia Katolika? Nilagyan ng condom ang krus, ginuhitan ng kung anu-anong bandalismo at nakakaasiwang marka ang imahe ni Hesu Kristo, ito ba ay isang sining? Kailan nga ba maitatawag na sining ang sining? Dahil ba sa gawa ito ng isang dalubhasa? Gawa ng artist?
Hindi ba’t ang kahulugan ng art ay isang ekspresyon ng kadalubhasaan sa paggawa ng bagay na naayon sa pamantayan ng kagandahan? Ako’y nagulat sa balita sa telebisyon nang nabenta ang isang larawan ng toothpick na iginuhit ng isang tanyag na artist sa Estados Unidos sa halagang 3000 dollars, o tumataginting na 138 000 pesos. Isang toothpick na kahit isang bata ay kayang kopyahin.
Ang pagkawala ng kalaliman ng tradisyunal na sining Pilipino ay epekto nang pagbabago ng panahon at dala na rin nang matindig impluwensya ng komersyalismo at globalisasyon, kung saan ang lahat ng mga nakaugalian ay unti-unting nagbabago. Tama bang makibagay tayo sa kung anu ang nauuso at bago at isasawalang bahala ang isang maganda at maipagmamalaking kultura? Kung ako ang tatanungin ay hindi. Bakit natin babaguhin ang isang bagay na hindi naman kailangang baguhin?
Kung sana’y nalalaman lang ng lahat ng Pilipino ang tunay na kahulugan ng isang kultura at tradisyunal na sining, marahil isa na tayo sa mga tao sa mundo na malaki ang respeto sa sariling bansa at kultura nito. Mayaman ang ating kultura, huwag nating hayaang mawala ang kahalagahan nito.
Isipin at isa puso natin lahat ng iniambag na dugo at pawis ng ating mga ninuno upang mabuo ang isang magandang kulturang nagbigay daan sa pag usbong ng magandang sining. Pangalagaan natin kung ano ang natitira at huwag nating hayaang masayang lang ang huling hibla ng T’nalak.

Dota Pa? (Published in UIC Roots)

 Dota pa?
By: Leo Vincent A. Villanueva
June 28, 2011, maliban sa petsang July 2, 2011 kung s’an sinapak at biniyayaan ng “smokey eyes” ni Mayor Sara Duterte ang isang aroganteng sheriff ng RTC 11, marahil ay ‘di ko rin makakalimuan ang petsang ‘to sa buong buhay ko. Oo, isa ako sa iilan at piling-piling kasama sa isang pangyayaring paminsan-minsan lang naman nangyayari sa kasaysayan ng Davao City.
 Tulad ng ibang trahedyang nangyari, mayroong nakalakip na kuwentong tiyak na makakaantig sa inyong mga puso’t makakapagbukas sa inyong mga isipan.
Kung ‘di ako nagkakamali, nangyari ‘to sa araw ng martes. 7pm nang natapos ang klase ko, tumambay ng konti sa labas, at naglaro ng isang round ng dota. Walang kamalay malay sa paparating na unos…ay hayahay!
Nang biglang bumagsak ang ulan. Sinaklot ng matinding takot at poot ang aking loob, nababalisa at nanginginig ang aking katawan, nakisabay sa bagsik ng panahon ang takot na aking naramdaman. Sa kabila ng matinding buhos ng ulan, ako’y lumusob, hindi ko sinawalang bahala ang aking mga naramdamang hindi ko maipaliwanag. ‘di ko na ininda ang mabasa, basta’t ako’y sumugod nalang, at sumakay ng jeep.
Bangkal, Matina. Dito kami lumipat ng pamilya ko pagkatapos kaming palayasin sa dati naming tinitir’han, wala na talagang perang mailabas ang nanay ko noon, baon sa utang at samut-sari pang mga karaniwang problema ng mga mahihirap na mamamayang Pilipino, at sa sobrang pagiging “karaniwan” tila wala na yatang pag-asa.
Tinanggal ko ang aking sapatos para hindi mabasa, ang aking nag-iisang balat na sapatos na punong-puno na ng bakas ng iba’t-ibang klaseng landas na tinahak, binalot q sa plastic at maingat na ibinitbit. Lampas tuhod na ang inabot ng maruming tubig pagbaba ko sa jeep, malakas ang agos, para akong tinutulak nang sangkatutak na maliliit na tao sa lakas ng agos ng tubig.
Natatanaw ko na ang aming payak na bahay, maingat akong tumawid at lumangoy sa malasapang baha. Alam kong hindi na ako nalalayo sa aming bahay, ngunit parang langit at lupa pa rin ang pagitan ko sa aking tahanan. Inisip ko ang nanay ko, ang kapatid ko, at ang aking pamangkin na sanggol pa lamang, silang palaging nasa bahay, wala namang dahilan upang lumabas, wala namang pera.
Ilang beses silang pumasok sa isipan ko, at alam kong sila rin ang dahilan ng aking matinding pangamba.
Sa aking pagtawid, ako’y sumuko, mga paa ko’y nanghina at ako’y inagos ng tubig. Sinubukan ko muling bumangon at bumalanse, Kailangan kong bumalik sa aking pamilya, at alam kong Kailangan nila ako.
Dumating din ko sa bahay namin, ako’y natakot, wala na roon ang pamilyang aking inaasam-asam. Marahil sa matinding pagod at kawalan ng loob, bigla akong napatumba at nahimatay sa sahig.
Kinabukasan na nang ako’y nagising, huni ng sirena ang gumising sa akin. Kaagad ko silang hinanap, “Nay! Te! Asa na mo?” walang sumagot…”Nay! Te! Asa na mo??” wala pa ring sumagot…
Umabot ako sa evacuation center sa kakahanap sa kanila, doon umasa akong makita sila. Nakita ko ang aking mga pinsan, at iba pang kamag-anak, ngunit walang nanay, ate at pamangkin. May narinig akong mga hiyaw ng mga pusong naghihinagpis sa isang silid. Mga ilang hanay ng nakarolyong banig ang aking nakita, hinila ako ng aking pinsan at binuksan niya ang isa sa mga banig.
Tumakbo ako papalayo, sa ‘sang tabi ako’y umupo’t napayuko, at sa matagal na panahon, ako’y nanalangin, pangalawang buhay para sa aking mahal na pamangkin.

Blind Filipina with world class talent


Blind Filipina sings like Karen Carpenter in Pasig Market...wow!
 GOOD PUBLICITY for Dan Brown...

MMDA worries about the bad image that

Manila, gates of hell? MMDA fumes

MANILA, Philippines - Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino yesterday joined the bandwagon of critics slamming Dan Brown for his latest novel “Inferno,” in which the author describes Manila as the “gates of hell.”

Tolentino said he wrote Brown a letter telling him that his description of Manila was “inaccurate.”
“We write to you with much concern regarding your recently published novel ‘Inferno’ and its mention of Manila being defined by a number of terrible descriptions of poverty and pollution, among others, having ‘suffocating pollution, and a horrifying sex trade’ and worse, being alluded to as ‘gates of hell’,” Tolentino said in his letter.

“While we are aware that yours is a work of fiction, we are greatly disappointed by your inaccurate portrayal of our beloved metropolis. We are displeased with how you have used Manila as a venue and source of a character’s breakdown and trauma, much more her disillusionment in humanity,” Tolentino added.

Tolentino defended Metro Manila as a “center of Filipino spirit, faith and hope.”
“Our faith in God binds us as a nation and we believe that Manila citizens are more than capable of exemplifying good character and compassion towards each other, something that your novel has failed to acknowledge. Truly, our place is an entry to heaven,” Tolentino said.
Tolentino invited the bestselling author to visit Manila.
 

Blogger templates

Blogroll

About